Eto na naman ako Lord, hindi ko alam kung tama ba tong pinapasok ko. Opo Lord, nakakakilig din. Todo imagine na ako ng future ko with him, pero natatakot pa din ako na baka katulad lang din sya ng iba. Natatakot ako na maiwan at masaktan lang ulit ako. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari sa mga susunod na araw, pero Lord sana po ikaw ang kumilos sa buhay ko at ikaw ang magdala sa puso ko sa taong nakalaan sakin.
June 2013
I’ll wait for you. Many have tried to own me but no one stayed by my side. I was tempted to fall in love though I know it’s not the right time. I’ve broken my heart several times, yet no one dared to fix it for me. And then I realized, no one can, except you. I don’t know you, or maybe I do. You’re a shadow I’ve always been dreaming. I’m waiting for you, I’m praying for you. See you soon.
I’m a cup and I’m half empty. Yes, I’m a half full with happy memories, lessons learned, achievements and love, but still I’m half empty. There’s still a part of me that needs to be filled. I’m not sure what it is and when will my cup be filled. But someday it will be. I just need to be patient. Someday, I will be filled. Or maybe, my cup, my heart will overflow.
May 2013
I think kailangan nga talaga. Lalo na kung madrama, last na yung kagabi. I posted my testimony. May iba na nagcomment ng “Amen”, may iba na nakornihan lang. Hindi naman lahat nakaka-appreciate ng posts mo kahit seryoso at may sense. Hindi lahat ng taga-Facebook, nakaka-appreciate ng post na mala pang Tumblr. Hindi blogging site ang Facebook. Hindi lahat ng tao dun open-minded. Doon, kada post mo may samutsaring reactions kang matatanggap kaya dapat responsible ka sa mga ilalagay mo. Sensitive pa man din ako. So I decided to stay away from Facebook, and just make my blog active. I’m back, Tumblr. Spread your arms and welcome me baby. :-)
After namin magbreak ng ex-boyfriend ko for 3 years, may anim akong “naka-date”. Ewan ko kung tama nga yung term pero sige yan nalang muna gagamitin ko. Lahat yun, pumalpak. At kada may isang nauudlot, it’s either iiyakan ko o tatawanan ko.
Madaming narealize, tulad ng:
- True love waits - Hindi dapat minamadali ang pag-ibig. Hindi ito rush hour na dapat mayroon kang boyfriend kasi meron yung iba. Tsaka dito din pumapasok yung kasabihan na “Good things come to those who wait.”
- Pumili ka - Madami nga talagang isda sa dagat. Wag ka naman sa puro dilis, dun ka naman sa tuna. Pumili ka, wag kang atat na kahit sino nalang ang manligaw sayo, yun na. Hindi kasalanan ang pagiging choosy kung alam mo namang tama yung pagiging choosy mo.
- Kilalanin mo muna sya bago mo sya pagkatiwalaan - Ang tiwala madaling mawala, lalo na pag sa maling tao mo ibinigay. Wag ka magtitiwala kung kani-kanino lang. Magbackground check ka, hindi naman masama yun. At least malalaman mo kung anong klaseng tao sya.
- God MUST be the center of your relationship - Kung ang relasyon nyo eh si God ang nasa gitna, pagpapalain nya kayo. Si Lord ang depinisyon ng pag-ibig, mas magiging masaya at mabunga ang relasyon nyo kung pareho kayong nagpupuri at nagmamahal sa Kanya. Kung mahal nyo Siya, mamahalin nya din kayong dalawang nagmamahalan. (Parang tongue twister no?)
Nagpapasalamat pa din ako kay Lord at naudlot yung mga yun. Hindi Nya hinayaan na kung kani-kanino nalang mapunta ang puso ko. Natuto na ako dati, nagmahal ng napaka-aga, at madami akong regrets dahil dun. Salamat talaga kasi napakarami kong natutunan.
Sa right time, ibibigay nya ako sa right guy. Mag nabasa nga ako, “Dance with God and He will let the right person cut in.” Tama nga yung quote na yun, pag si God yung priority mo, pag Siya yung “boyfriend” mo, pag nakuntento ka sa Kanya, dun Niya lang ibibigay yung taong para sayo. Kaya matuto tayong maghintay guys ah. :-)
I should’ve considered our friendship first than what we “thought” we felt. We were close friends before, until that day occurred The day when we both broke our promises and dreams. I wish I could turn back the time. If God would allow me to undo what happened to us, I would not let you ask me to be your girl again. I miss you, I miss us. The laughs we shared, our strong bond, our memories. I miss you bestfriend.
Let God lead you. It’s hard to identify your calling, to know your purpose in this world. Specially, because God is not with us physically. Yes, He’s with us spiritually through His Holy Spirit, we can talk to Him through prayers, but sometimes His “signs” are not clear enough for us to believe and accept.
Sometimes we doubt, but don’t worry. That situation comes to almost all of us Christians. Smile! Just bow down and pray. Ask Him to guide you. Trust His plans, He won’t leave you, nor forsake you. For He loves you so much that He sent His one and only Son to pay for your sins. God has a great plan for you. You just need to relax and follow Him.
that understands you , laughs at every joke you say not because it’s funny but because it’s stupid , makes fun of you for the stupidest things , makes you laugh and smile no matter the time of the day , picks fights with you just because their scared of losing you , and is there for you through everything that comes by in life … don’t let that person go . When this person can make you feel so loved and special , that’s when you know you’ve found a keeper , forever .
Ikaw pa? The girl with the weirdest but cutest name ever? Hi baby! Musta? :*
Di talaga maganda kapag nage-expect ka eh. Kasi sa huli, ikaw lang din ang masasaktan. Lalo na yung nagiimagine ka ng pwedeng mangyare, tapos sobrang kilig at umaasa ka? Sus, wag na fren. Masakit, lalo na’t kung alam mo namang hindi nangyare, nangyayare at mangyayare yung naiisip mo. Kakapit at kakapit ka pa din dun sa salitang “sana”.
My cover of Ate Yeng’s new single, Chinito. Favorite ko yung song, mahal ko naman yung singer. Gusto ko lang na marinig nya to, para sa next time na makita ko sya masabi kong “Ate Yeng, naalala nyo po ako? Ako po yung Gillian Erika na nagcover nung Chinito.” Tapos ayun, maaalala nya. Hays, grabe imagination ko. Haha. Yengsters lang makakaintindi sakin. :-)
At oo, mahilig ako sa Chinito.
Eto na naman ako, nilulunod ang sarili ko sa lungkot. Hindi ko mapigilan yung mga daliri ko, kailangan ko ng ilabas to kundi sasabog ako.
Hindi ko naman hiniling na bumalik ka, dahil ayaw ko ng bumalik ka. Ayoko na sayo, ayoko sayo. Sinira mo na yung tiwala namin noon, pinatawad ka namin, tapos sinira mo ulit. Ayaw ko ng magpaka-tanga! Hindi ka namin kailangan. Ayokong naririnig pangalan mo, yung ginawa mo, yung kababuyan na ginawa mo.
Galit na galit ako sayo. Hindi ko na mapigilan yung galit na yun. Okay lang naman sigurong mapagsalitaan kita ng masama kasi mas masama naman yung ginawa mo. Kung gusto mo ng kapatawaran, lumayo ka muna samin. Ayaw ko munang maalala ka, ni anino mo ayaw ko makita.
Nahihiya ako na ikaw yung Tatay ko.
April 2013
Madaling araw na at nasa tapat ako ng laptop. Iniisip ko lang, nasaan ka kaya? Ano kayang itsura mo? Anong ginagawa mo ngayon? Sino ka? Bakit ang tagal mo? Andami kong tanong, pero wala akong mahanap na sagot.
Mawi-weirduhan ka ba sakin pag sinabi kong namimiss kita kahit hindi pa nga kita nakikita? Aaminin ko, malungkot na ako kasi naiinip na ako. Sa sobrang inip ko, napunta ako sa mga maling tao. Minadali ko ang lahat para lang makaramdam ng kilig na hinahanap ko mula sayo. Ni hindi ko alam kung bakit ako ganto. Kung bakit napaka-hopeless romantic ko.
Andami kong gustong gawin kasama ka. Kung gagawa ako ng listahan, baka hindi pa sapat ang isang buong araw sa paglilista. Andami kong gustong puntahan kasama ka. At gusto ko, hawak mo lang ang kamay ko habang naglalakad tayo papunta sa mga lugar na yun. Madami na akong naisip gawing themesong natin. Madami akong gustong ikwento sayo. At madami na akong na-imagine tungkol sating dalawa.
Kaso wala eh, wala ka pa eh. At hindi ko alam kung kelan ka darating. Maybe it’s not the right time. Yan lagi ang linya ng iba at lagi ko din namang tinatandaan. Kaso, hinahanap hanap na kita. Nasaan ka na ba? Pwede bang magpakita ka na? Dalian mo na. Miss na miss na kita, kahit di pa kita nakikita.
Ni hindi ko alam kung bakit ako binabalik-balikan ng gantong pakiramdam. Yung para bang laging may kulang. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang syang susulpot, bigla ko nalang maaalala na, “Ay oo nga pala, malungkot ako.” Bakit ba hindi nalang ako makuntento sa mga bagay na meron ako? May Diyos naman na kahit kelan pwede kong lapitan. May pamilya naman akong pwede kong kausapin. May mga kaibigan akong any time pwede akong samahan. Pero bakit ganun? Para bang hindi sila sapat. Oo, unfair yun para sa kanila, alam ko yun. Pero hindi ko mapigilan.
May kulang. Alam kong may kulang. Pero hindi ko alam kung ano yun. Ako ba yung binabalik-balikan ng kalungkutan? O ako mismo yung bumabalik sa kalungkutan?
My cover of Ed Sheeran’s The A Team.